in

‘Inside the COVID Ward’ ng Reporter’s Notebook ngayong Huwebes

Ngayong Huwebes (August 27), panuorin ang unang bahagi ng special report ng Reporter’s Notebook na “Inside the COVID Ward” sa GMA News TV.

Ika-limang buwan na ng duty ni Dr. Kristine Rialubin sa COVID ward ng Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium. April 2020 noong una siyang makilala ng team ng Reporter’s Notebook.

Mula noon, nagpatuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Mula higit 6,000 noong April 21, umakyat ito sa higit 190,000 kaso ngayong August 24. Ramdam nina Doc Tin ang hirap sa pagdami ng kaso sa kanilang ospital. Kung noon, nasa lima ang ina-admit na COVID patient sa kanilang ospital kada araw, ngayon nasa 20 na raw ang bilang. Tumataas din daw ang bilang ng mga infected na health care worker sa kanilang ospital. Ang ilan ngang binisita ni Doc Tin sa COVID ward, mga kasamahan niya rin sa trabaho. Sa datos ng Department of Health o DOH, mahigit 6,000 health care worker na ang nagpositibo sa COVID-19. Apatnapu sa kanila ang binawian ng buhay as of August 23, 2020.

Sa swabbing facility ng ospital, naka-assign naman si nurse Ninia Cabulay na una ring nakilala ng programa noong Abril. Kasama niya sa ospital ang asawang nurse rin na si Ryan. Kuwento niya, kung dati nasa 20-30 ang nagpapa-swab test sa kanila, ngayon, umaabot na ito sa higit 200 kada araw.

Sa datos ng DOH, 49 percent na ang occupancy ng ICU beds sa buong bansa. Occupied na rin ang 48 percent ng isolation beds, at 51 percent ng ward beds. Pero kung ang datos sa Metro Manila lang ang titingnan, 67 percent ng ICU beds, 70 percent naman ng isolation beds, at 82 percent ng ward beds ang okupado. At habang hindi pa bumababa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kada araw, malaking hamon pa rin ang mga susunod na linggo para sa mga ospital at frontliner, at maging sa publiko.

Abangan ang unang bahagi ng Reporter’s Notebook: Inside the COVID Ward Special Report ngayong Huwebes, 9:15 pm sa Power Block ng GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dalaga, na-in love sa kaibigang babae sa ‘MNL48 Presents: Bye, Us’

Biboy Ramirez at Ahron Villena, pasok sa episode ng ‘Wish Ko Lang’ ngayong Sabado