in

Eugene Domingo, aminadong maraming adjustments sa ilalim ng ‘new normal’

Umani ng papuri mula sa viewers ang ipinalabas na fresh episode ng ‘Dear Uge Presents: My Forgettable Love’ noong Linggo. 

Anila, bukod sa napapanahon ang istorya, nakakadala raw ang pinakitang performance ng bidang si Eugene Domingo kasama sina Neil Ryan Sese, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon. 

Kuwento ito ng mag-asawang napilitang manirahan muli sa iisang bubong dahil sa ipinatupad na community quarantine kahit pa sila’y hiwalay na.

Ayon kay Eugene, pinaghandaan daw talaga nila ang pagbabalik sa taping para sa show. At kahit daw excited ang lahat na muling magkita-kita, nangingibabaw ang kanilang layunin na tapusin ang lahat ng eksena nang mabilis, maingat, at matiwasay.

“Siyempre lahat naman ay sumunod at pagdating din sa set, everybody’s on their toes so we can finish everything smoothly and safely. Marami talagang adjustments pero kinaya sa kagustuhan naming magpalabas ng bagong episodes. ‘Yung loyal viewers namin sana ma-entertain namin kahit sa ganitong paraan,” ani pa ng aktres.

Mapapanood ang second part ng ‘Dear Uge Presents: My Forgettable Love’ ngayong Linggo (August 30), 2:30PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Animated series na ‘Alamat’, mapapanood muli sa GMA Network  

Barbara Miguel, wish na gumanap bilang ‘powerful woman’