in

Dalaga, na-in love sa kaibigang babae sa ‘MNL48 Presents: Bye, Us’

Kwento ng isang dalagang hindi inaasahang mahuhulog sa kanyang matalik na kaibigang babae ang matutunghayan sa bagong 4-part digital miniseries ng “MNL48 Presents” na “Bye, Us” na magkakaroon ng exclusive digital premiere ngayong Agosto 27.

Mapapanood dito sina Jemimah Caldejon and Dana Brual na bibida bilang Jackie at Portia, ang dalawang magkaibigang magkakalayo sa paglipad ng isa patungong Japan. Sa gitna ng matinding pangungulila niya sa pakakalayo nila ng kaibigan, isang malaking bagay ang matutuklasan ni Jackie – na mahal na niya si Portia.

Sa mga nais na maging isa sa mga pinakaunang makakapanood ng digital miniseries, maaaring bumili ng tickets sa ktx.ph upang magkaroon ng pagkakataong matunghayan nang ang mga ia-upload pa lamang na episodes nito at makasama sa isang digital party ang cast.

Magkakaroon din ang mga bibili ng tickets ng pagkakataong makausap nang personal ang lead stars sa isang eksklusibong video chat, at ang dami ng tao at tagal nito ay base sa package na kukunin ng fans. Sa MNLoves package (P5,500), maaaring limang fans ang magsama-sama upang makausap ang cast sa loob ng 15 na minuto. Para naman sa Gold package (P3,500), tatlo ang maaaring kumausap sa mga bida sa loob ng 10 na minuto. Kung Oshi package (P2,500) naman ang kukunin, dalawang fans ang may pagkakataon sa chikahan sa cast sa loob ng 10 na minuto. Sa SVIP package (P1,500), magkakaroon ng one-on-one chat ang fan kasama ang mga bida. Pagdating naman sa VIP package (P750), makakadalo ang fans exclusive digital premiere at makakasama rin sa digital party.

Kasama ang “MNL48 Presents” sa humahabang listahan ng digital content ng OKS (Online Kapamilya Shows).

Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facbeook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

MOR magdiriwang ng ‘Salamat, for Life!’ Farewell Special

‘Inside the COVID Ward’ ng Reporter’s Notebook ngayong Huwebes