Isa na namang brand new episode ang mapapanood sa drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado (Agosto 29).
Mapapanood sa ‘My Gay Husband’ episode ang Kapuso actor na si EA Guzman bilang si VJ, isang out and proud na gay man na magiging isang asawa at ama.
Labag sa kalooban ng kanyang ama ang pagiging bakla ni VJ, habang supportive naman dito ang kanyang ina.
Sa kasamaang palad, mamamatay dahil sa sakit ang kanyang ina. Makikilala naman ni VJ si Rizza (Ana de Leon) sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigan. Magkakagusto si Rizza kay VJ kahit isa siyang beki.
Anu-ano kaya ang mga pagsubok na haharapin ni VJ bilang isang magulang at asawa?
Panoorin ang fresh episode ng #MPK ngayong Sabado, August 29, 8:00 pm sa GMA-7.