Bagay na bagay talaga ang bansag na ‘Katipunerang Milenyal’ sa Kapuso star na si Glaiza de Castro! Sa latest vlog kasi niya, mala-‘Buwan ng Wika’ ang naging tema niya.
Special guest pa niya rito ang boyfriend, “Ito na ang bidyong bago niyong kagigiliwan Para sa mga kababayan ko pati na rin sa mga dayuhan, maaari niyo nang mapanood ito sa aking Youtube channel. Maligayang Buwan ng Wika! Maraming salamat @david_rainey89, ako’y lubos na nagagalak “
Samantala, kasalukuyang napapanood si Glaiza sa rerun ng ‘Encantadia’ gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.