in

Pops Fernandez, may bagong negosyo

May bago na ring negosyo ang Centerstage judge na si Pops Fernandez. Habang hindi pa nagbabalik-taping para sa Kapuso show, pinagkakaabalahan ngayon ni Pops ang new online business na ‘PerF’ na nagtitinda ng fan merchandise.

Bukod sa shirts, isa rin sa mga ino-offer ng PerF ay face masks na gawa sa microfiber fabric na may kasamang tissue air filter pouch sa loob nito.

Samantala, advocate din ng positive thinking si Pops base sa kanyang social media posts. Sa isang post, pinaalalahanan niya ang lahat na ang pagiging positive ay hindi nangangahulugang masaya ang isang tao palagi. Aniya, “It means that even on hard days, you know that there are better ones coming.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bakit nga ba naging emotional sina Mikael Daez at Megan Young sa latest vlog?

Rita Daniela, saludo sa kapatid na frontliner