Ngayong Biyernes, August 21, mapupuno ng good vibes ang gabi ng Kapuso viewers dahil isang brand new episode ang handog ng ‘Bubble Gang’.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/08/freshepbubblegang-1024x390.jpg)
Ayon sa ilang cast members, excited silang lahat na muling magpasaya kaya umaapaw sa energy ang mga bago nilang episode. Dahil naka-quarantine pa rin, sa kanya-kanyang bahay lang muna sila nag-taping pero siguradong matutuwa raw ang audience sa mga inihanda nilang comedy skits, sketches, at parody videos. Exciting!