Katatapos lamang ng unang season ng GMA Artist Center online show na ‘Just In’ hosted by Paolo Contis at Vaness del Moral.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/08/paolopasalamtsajustin.jpg)
Para sa season finale episode noong August 12, nakasama ni Paolo ang kanyang mga kaibigan sa PARD na sina RJ Padilla, Antonio Aquitania, Sef Cadayona, Roadfill, at Boy 2 Quizon.
Nagpasalamat si Paolo sa mga nanood at sumuporta sa kanilang 13 episodes. Wish daw niya ay maging safe ang lahat sa kinakaharap nating COVID-19 pandemic. At sa kanilang pagbabalik, i-comment lang ng netizens ang mga gusto nilang mai-guest sa programa.
“Sana habang tumatagal ay safe tayo. We’re all expecting na sa Season 2 ay mas masaya tayo. Kung meron kayong gustong mapanood, gustong i-guest namin, mag-comment lang kayo at susubukan naming pagbigyan lahat ‘yan.”