in

Janine Gutierrez, pang-international ang pelikula

Pasok ang movie ni Janine Gutierrez na ‘Babae at Baril’ sa New York Asian Film Festival na magsisimula na sa August 28. Kaya naman excited na si Janine na mapanood ng mga Kapuso abroad sa Amerika ang kanyang pelikula. 

“Medyo bittersweet kasi I was really looking forward to going to the festival. First time ko sanang maka-attend ng film festival sa ibang bansa bilang artista. I was super excited but nonetheless, sobrang thankful pa rin na kami yung magiging opening film representing the Philippines,” kuwento ng aktres. 

Pressured din daw siya sa responsibilidad na gumanap ng isang babaeng sumasalamin sa mga pinagdadaanan ng kababaihan sa ating lipunan. Gayunman, proud siyang maging bahagi ng pelikulang nais iparating ang mensahe ng women empowerment.

Ang “Babae At Baril” ang isa sa mga pinag-usapang entry sa QCinema International Film Festival noong 2019 kung saan hinirang na Best Actress si Janine. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paolo Contis, nagpasalamat sa mga sumuporta sa ‘Just In’  

Lovi Poe, may nakakakilig na birthday greeting para sa boyfriend