in

Will Ashley at Vince Crisostomo, excited sa pagbabalik ng ‘Prima Donnas’

Labis na excitement ang nadarama ng Kapuso stars na sina Will Ashley at Vince Crisostomo sa pagbabalik-telebisyon ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Simula Lunes (‪August 17), mapapanood muli sa telebisyon ang sinusubaybayang teleserye na talaga namang nagpaiyak, nagpakilig, nagpasaya, at nagpayanig sa ating mga hapon.  

“I feel excited about the re-airing of Prima Donnas dahil mapapasaya na naman namin ang mga tao na laging tumututok sa amin. Mas madami silang dapat abangan sa mga susunod na kabanata ng serye,” sabi ni Vince na gumaganap bilang Cedric, ang love interest ng karakter ni Jillian Ward.

Dagdag naman ni Will na gumaganap bilang Nolan, “Excited ako dahil makakapagpasaya na ulit ang cast ng show sa mga manonood na naghintay sa aming pagbabalik.”

Muling sariwain ang nakakaantig na kwento ng Prima Donnas, simula Lunes (‪August 17), ‪3:25PM, sa GMA Network.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘StarStruck’ season 7 beauties, muling maghaharap-harap

‘All-Out Sundays,’ magpapa-ulan ng sorpresa ngayong Linggo!