Going strong ang relasyon ng Kapuso star na si Gabbi Garcia sa boyfriend na si Khalil Ramos kahit na hindi sila masyadong nagkakasama dahil sa pinapatupad na community quarantine.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/08/gabbigarciarealtionshipadvice.jpg)
Nang tanungin ng fans kung ano ang sikreto sa kanilang healthy relationship, ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng isang livestream ang love advice na ito: “I think it’s one, time management, and it’s acknowledging there’s a level of maturity that you have to attain for you to accept that you have to balance out everything. You have to weigh your priorities, hindi pwedeng dahil sobrang in-love kayo ay talagang ‘yun lang ‘yung gagawin n’yo.”
Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi bilang si Alena sa rerun ng ‘Encantadia’ sa GMA Telebabad.