in

Pelikula ni Janine Gutierrez, may US debut

Pang-international scene talaga ang pelikulang pinagbidahan ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez na “Babae at Baril” na ipinalabas noong 2019. 

Ngayong taon, napili ang psycho-thriller film para sa opening ng New York Asian Film Festival na magsisimula sa August 28 hanggang September 12.

Ang tema ng line-up ngayong taon ay women filmmakers at Korean movies.

Inanunsyo ni Janine ang masayang balita sa kanyang Instagram. Lahad niya, “So excited and soo fffffing wish we could actually go to NY for the North American premiere at the NYAFF but, nonetheless congrats to the team! Babae at Baril is available in the Philippines on Cignal Play streaming. I hope you get to see it. So proud to be part of this female-led team.”

Sa “Babae at Baril,” ginampanan ni Janine ang karakter ng isang sales lady na galing sa probinsiya. Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang buhay matapos makapulot ng baril.

Matatandaang pinarangalan din si Janine bilang Best Actress sa 2019 QCinema Film Festival para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Idol sa Kusina,’ may special fresh episodes sa GMA Network simula August 16

Kyline Alcantara, pina-wow ang netizens sa husay sa pagkanta