Isang bagong episode ang mapapanood ng Kapuso viewers sa Magpakailanman ngayong Sabado (August 15).
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/08/mpkbagongepsabdo.jpg)
Napapanahong kwento ito ng Layug family, mga Pinoy sa Amerika na na-infect ng COVID-19.
Tampok sa episode ang mag-asawang sina Nonie at Shamaine Buencamino at si Rita Daniela. Ayon sa #MPK, isa ito sa mga paraan para magbigay-pugay sa mga medical frontliners.
Pero paano nga kaya mapagtatagumpayan ng pamilya Layug ang pagsubok na ito?
Alamin ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.