World-class talaga ang local adaptation ng GMA Network na “Descendants of the Sun” dahil isa ito sa mga napiling ‘Most Popular Foreign Drama of the Year’ sa 15th Seoul International Drama Awards.
Sa Instagram post ng lead actor at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ibinahagi niyang proud siyang maging parte ng primetime series. Aniya, “A proud member of Team DOTS here! Congratulations to the men and women behind the show.”
Samantala, ang on-screen partner niyang si Ultimate Star Jennylyn Mercado ay nagpasalamat din sa lahat ng sumusuporta sa DOTS, “Maraming salamat po sa karangalan na ‘to! Congrats to the DOTS Team! Para sa inyo po ito, mga Kapuso!”
Gaganapin ang awarding ceremony sa MBC Media Center Public Hall sa September 10. Congratulations sa lahat ng bumubuo sa DOTS team!