in

‘Prima Donnas’ cast, may sorpresa sa kanilang fans ngayong Biyernes

Usap-usapan ngayon ang panibagong sorpresa na niluluto ng Prima Donnas cast para sa kanilang fans na iaanunsyo ngayong Biyernes.

Sa post ng GMA Drama ay mapapansin ang anino ng tatlong Donnas at may kalakip na misteryosong caption na “May magbabalik-telebisyon na siguradong na-miss n’yong makasama tuwing hapon!”

Sa comment section ay bumuhos ang excitement mula sa fans ng top-rating drama na sabik nang malaman ang special announcement ng kanilang paboritong palabas, “Excited na ako makanood ulit ng Prima Donnas. ‘Yan ang lagi kong sinusubaybayan tuwing hapon!” May mga natuwa rin na may bago na silang libangan sa gitna ng quarantine, “Salamat naman at mababawasan na ang pagkainip ko sa bahay.”

Maraming viewers ang nabitin sa kung ano ang kahihinatnan ni Lilian (Katrina Halili) na idiniin ni Kendra (Aiko Melendez) sa krimeng hindi naman niya ginawa. Sinubukan nila Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) na bisitahin ang kanilang nanay sa presinto nang hindi nagsasabi sa kanilang amang si Jaime (Wendell Ramos) na nagdesisyon namang ituloy na ang kasal nila ni Kendra.

‘Wag palampasin ang inihandang sorpresa ng Prima Donnas cast ngayong Biyernes, August 7, at abangan ang special announcement sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paolo Contis, may dream role nga ba?

Ces Drilon, naghahanap ng co-host sa susunod na ‘Bawal Ma-Stress Drilon’ livestream sa FYE Channel