in

‘AHA!’ at ‘Born to be Wild,’ may back-to-back new episodes

Tiyak na maraming matututunan ang viewers ngayong Linggo (Aug. 9) sa back-to-back new episodes ng AHA! at Born to be Wild.

Balita namin, ipi-flex ni Drew Arellano ang bagong fully animated AHA! virtual learning studio kung saan makakasama niya ang kanyang bagong techie BFF na si A! Robot. Guests din ni Drew sa episode this Sunday sina Sanya Lopez at Jelai Andres.

Tuloy rin sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato sa pag-rescue sa mga hayop na na-apektuhan ng community quarantine sa Born to be Wild. Si Doc Ferds, titignan ang kalusugan ng mga stray dog na mas dumami raw ngayon. Si Doc Nielsen naman, oobserbahan kung paano humanap at kumuha ng pagkain ang ilang animal sa wild lalo na’t patuloy na nagbabago ang tirahan ng mga ito dahil na rin sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Ngayon na back-to-school na ang mga estudyante, mainam na patuloy ang Kapuso Network sa pagpapalabas ng mga programang makatutulong sa pag-aaral ng mga kabataan. Mapapanuod ang AHA! 8:15 am at kasunod naman nito ang Born to be Wild sa GMA 7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ben Alves, negosyante na rin

‘All-Out Sundays,’ star-studded ang episode ngayong Linggo!