Ngayong Sabado (August 8), muling mapapanood sa ‘Magpakailanman’ ang kuwento ng mag-ina na magkaribal sa iisang lalaki.
Bata pa lang si Lucila nang makilala ng nanay niyang si Salve ang magiging pangalawang asawa nito, si Manuel. Pero nang mag-dalaga na si Lucila, may namuong pagtitinginan sa pagitan nila ng stepfather. Paano haharapin ng pamilya nila ang hamon na ito?
Abangan sina Amy Austria, Pauline Mendoza, at Neil Ryan Sese sa kakaibang istorya ng “Ako o Anak Ko?,” ngayong Sabado, August 8, 8:00 pm sa #MPK.