in

Miguel Tanfelix, bagong model ng sikat na international clothing brand

Guwapong-guwapo at ang lakas ng dating ng Kapuso star na si Miguel Tanfelix sa kaniyang bagong endorsement shoot with H&M. Siya kasi ang bagong model ng international clothing brand sa ating bansa.

Isang malaking milestone sa career ng aktor ang mapili bilang ambassador para sa collection ng graphic tees at hoodies ng nasabing brand. Inanunsyo niya ang good news na ito sa Instagram, kasama ang ilang mga photos mula sa campaign at suot niya ang mga pino-promote na mga outfits, “SECRET’S OUT!!! Very excited to say that I’m part of the @HM family! Watch out for the latest fun @hm_man collection featuring yours truly! Picked these tees and other items for outdoor, stay in or Tiktok looks. Ready #HMGenStreet? #MiguelForHM”

Samantala, gabi-gabi pa ring napapanood si Miguel sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Katrina Halili, nanibago sa pagbabalik-taping, bibida sa next episode ng ‘Wish Ko Lang!’

‘Ako o Anak Ko?’, mapapanood sa #MPK ngayong Sabado