in

Ken Chan, inamin ang ‘craziest thing’ na ginawa niya for love

Sinagot ng Kapuso star na si Ken Chan ang ilang personal na questions sa first-ever vlog niya kabilang na ang ‘craziest thing he’s done for love.’

Uumpisahan na raw ni Ken ang kaniyang vlogging journey at gusto niyang mapalapit lalo sa fans kahit na may pandemic at bawal pa munang magkita-kita, “Sobrang happy ako kasi nandito na yung first official vlog ko! Yehey! Bago ako maglabas ng iba’t ibang vlogs, ito yung inuna ko kasi through this video mas makikilala ninyo ako. Try ko lang mag-73 Questions haha, enjoy Chasers!”

Ibinahagi ng aktor ang isang bagay na hindi alam ng nakararami tungkol sa kaniyang past dating life. Kuwento niya, “Craziest thing I’ve done for love is, I travelled to another country just for her.”

Nami-miss na rin daw ni Ken ang mga shoots at events na may audience. Ganoon pa man, pinaalalahanan din niya ang lahat na na manatiling safe sa kani-kanilang tahanan.

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Ken gabi-gabi sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, espesyal ang 40th birthday celebration

Paolo Contis at Mikee Cojuangco-Jaworski, reunited sa ‘Just In’