Winner ang GMA Artist Center online. Ayon kasi sa data ng social media marketing platform na Socialbakers simula January 1 hanggang June 11, 2020, nangunguna ang GMA Artist Center sa listahan ng ‘Top 10 Most Engaging Brands on Instagram’ habang panlima naman ito sa ‘Top 10 Most Engaging Brands on Facebook’ dito sa bansa.
Bukod sa updates tungkol sa inyong paboritong Kapuso stars at exciting online shows, marami pang dapat abangan sa social media pages ng GMA Artist Center kaya naman huwag kalimutan itong i-like at i-follow (https://www.instagram.com/artistcenter/, https://www.facebook.com/OfficialGMAArtistCenter/). Congratulations!