in

Doc Ferds at Doc Nielsen, balik wild life na ngayong Linggo

Bagong episode na ulit ang mapapanuod ngayong Linggo (Aug. 2) sa award-winning environmental and wildlife Kapuso program na “Born To Be Wild” kasama sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato.

Sa unang pagkakataon matapos ang deklarasyon ng community quarantine, isang wildlife rescue ang magaganap. Si Doc Nielsen, to the rescue sa isang cloud rat na napadpad sa ilalim ng bubong ng mga residente sa Tanay, Rizal. Ang nasabing hayop, tutulungan ng team ni Doc Nielsen makabalik sa kagubatan ng Sierra Madre.

Bago pa man ang COVID-19 pandemic, palagi na sina Doc Ferds sa isang sea turtle facility sa Iloilo. Ngayong Linggo, bibisitahin ni Doc Ferds at ng kanyang team ang mga dati nilang pasyenteng pagong dito upang tingnan kung pwede na silang ibalik sa kanilang natural habitat.

Gising na nang maaga ngayong Linggo at panuorin ang all-new episodes ng Born To Be Wild pagkatapos ng AHA! sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza, ipinasilip sa fans ang work from home setup

Viewers, relate sa mga bagong shows ng GMA News TV!