Sa Mars Pa More, nagbahagi ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz ng simple at low intensity interval training (LIIT) workout.
Limang minuto lang at kahit walang equipment, kayang-kaya itong gawin kahit ng beginners. High knees, butt kicks, push-ups, jumping air squats, at burpees ang kasama sa exercises.
Para sa iba pang workout routines mula sa Kapuso stars, tumutok sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 AM sa GMA-7.