Kahit na abala sa pagiging governor ng Sorsogon, hindi pa rin pwedeng mawalan ng oras si Chiz Escudero sa asawang si Heart Evangelista. Masayang nag-bonding ang dalawa sa isang firing range kamakailan.
Sa Instagram ng Kapuso star, ibinahagi niya ang mga litrato at video mula sa naging bonding time nila, “So glad I got to spend some alone time with this guy. #MahalKongSorsogon.”
Magkasama at busy ngayon sina Heart at Chiz sa patuloy na pagtulong sa mga kababayan nila sa probinsya. Bukod diyan, aliw na aliw rin ang aktres sa pag-diskubre ng mga local handcrafted products sa lugar at kitang-kita naman ito sa mga updates niya sa social media.