in

SONA ni Pres. Rodrigo Duterte ihahatid ng GMA News ngayong Lunes

Ngayong Lunes (July 27), ihahatid ng pinaka-pinagkakatiwalaang broadcast news organization ng bansa—ang GMA News—ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “SONA 2020: The GMA News Special Coverage”.

Sa umaga pa lang, nakatutok na ang GMA News sa pagbibigay ng updates sa pamamagitan ng Unang Balita ng Unang Hirit. Mapapanood naman ang speech ni Pres. Duterte sa hapon sa “SONA 2020: The GMA News Special Coverage” na pangungunahan ni Pia Arcangel.

Pagkatapos ng live telecast, tiyak na aabangan naman natin ang mga highlight sa speech ng Pangulo at ang mga naglalakihang balita sa loob at labas ng Kongreso sa flagship newscast na 24 Oras at late-night newscast na Saksi.

Samantala, sa GMA News TV naman ay maaari ring mapanuod simula umaga ang SONA updates mula sa Dobol B sa News TV. Mapakikinggan din ang mga balita at update sa SONA sa flagship AM Radio station ng GMA na Super Radyo DZBB 594khz at sa iba’t ibang Super Radyo stations nationwide. Maaari namang i-follow ng netizens ang special coverage ng GMA News Online sa www.gmanews.tv. Maaari ring makakuha ng mga update sa mga social media account ng @GMANews sa YouTube, Facebook, Twitter, Instagram, at Viber. (30)

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Betong Sumaya, may YouTube channel na!

Netizens, kinilig sa surprise video ni Mark Zambrano kay Aicelle Santos