in

‘Protege’ alumni, muling sasabak sa acting game

Muling magsasama-sama ang Protégé alumni na sina Jeric Gonzales, Thea Toletino, Ruru Madrid, at Mikoy Morales para sa isang online reunion bukas, July 24. 

Kaabang-abang ang kanilang kumustahan at kuwentuhan tungkol sa kanilang experiences noon sa reality competition. Magkakaroon din sila ng isang exciting na acting game bukas ng gabi. 

Makakasama nila as host ng online reunion si Carla Abellana na isa rin sa mga host nila sa Protégé noon. 

Abangan ang ‘Protégé: The Battle For The Big Artista Break’ online reunion ngayong Biyernes, 8pm, sa GMA Network at GMA Artist Center Facebook page!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Music artists, nominado sa 33rd Awit Awards

Kapuso heartthrobs, all set na para sa Quiz Beh!