in

Max Collins at Pancho Magno sa unang baby: “Masaya na mahirap”

Aminado ang bagong parents na sina Max Collins at Pancho Magno na hindi madali ang kanilang routine mula nang isilang ang kanilang baby boy na si Skye Anakin. 

“Walang tulog so puyat, gano’n talaga so anytime ‘yung body clock n’ya magiging same as ours din. Sobrang fun dahil nakakatitig lang kami sa kanya every night,” kuwento ni Max.

Aniya, nagpapasalamat siya sa asawang si Pancho na nanatili sa tabi niya sa loob ng halos sampung oras niyang panganganak via water birth. “Nanganak ako, but parang nanganak na rin siya dahil sa hirap na pinagdaanan ko. Siya ‘yung leader ng araw na ‘yun,” dagdag pa ni Max.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala ang Descendants of the Sun actor na may baby boy na sila ng asawa, “Para siyang dream. It’s a miracle na nagawa namin ito lahat, ng teamwork namin, and then now mayroong isang life [na nabuhay].”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pamilya Legaspi, thankful sa piling ng isa’t isa

Latest vlog ni Janine Gutierrez, patok sa netizens