in

Latest vlog ni Janine Gutierrez, patok sa netizens

Napasabak sa ‘Truth or Drink’ challenge si Lotlot de Leon sa latest vlog ng anak niyang  si Janine Gutierrez. Sa vlog ng Kapuso star, pinag-usapan nila ang mga karanasan ni Lotlot bilang isang young mom pati na rin ang kanyang komento sa mga naging ex ng kanyang anak. 

Pati ang netizens ay maraming natutunan sa words of wisdom ni Lotlot. Ayon kay Kariza Sherie Santos, “Totoo nga yung sinabi nila dun sa sibling tag vlog…. ms. lotlot is not just an ordinary mom… she’s a cool mom! Indeed mother knows best, I learned a lot from this vlog…. next content naman if ever, “who knows me better challenge” with your mom and dad.”

Agree naman ang fan na si KG. Dagdag pa niya, “Imagine a 29 minute vlog and I never skip a single moment, and I even want more of it. love this vlog contents, also kudos to miss lotlot who raised you guys so well, the way she talks about you and your siblings, you really can feel how much she treasures being a mom to all of you.”

Para malaman kung ano ang mga ikinuwento nina Lotlot at Janine tungkol sa isa’t isa at kanilang pamilya, panoorin lang ang vlog ni Janine sa kanyang YouTube channel. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Max Collins at Pancho Magno sa unang baby: “Masaya na mahirap”

Anthony Rosaldo, nag-aaral sumulat ng sariling kanta para sa album