in

Heart Evangelista, tuloy pa rin sa pagtulong sa Sorsogon

Halos hindi na yata nagpapahinga ang Kapuso star na si Heart Evangelista mula sa pag-aabot ng tulong sa mga Pilipinong apektado ng crisis na dala ng COVID-19 pandemic. 

Kasalukuyan niyang sinasamahan sa probinsya ng Sorsogon ang asawa at governor na si Chiz Escudero para mamahagi ng donations.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Heart sa kaniyang latest vlog ang mga ginawa ng kaniyang team sa Sorsogon, katulad ng personal niyang pag-regalo ng wheelchair sa isang stroke patient na lola.

Bukod sa pagtulong, ine-enjoy rin ni Heart ang mga magagandang tanawin at tourist spots sa probinsya. 

Mapapanood din sa vlog ang kaniyang pamimili ng iba’t ibang klase ng home decor na proudly Pinoy-made. Saludo talaga kami sa’yo, Heart! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rita Daniela, nominated sa 33rd Awit Awards

Bagong show ni Mareng Winnie, ikinaaliw ng viewers