in

Cast ng ‘Prima Donnas,’ sinubukan ang ‘generation swap’ sa online show

Isang panibagong challenge ang  hinarap ng cast ng Prima Donnas sa kanilang online show na ‘Prima Donnas: Watch From Home’ noong Biyernes, July 17.

Sa episode na ito ay hinamon sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, at Vince Crisostomo na umarte habang ginagamit ang ’90s slang katulad ng ‘Tom Jones,’ ‘Tara Let’s,’ ‘Japorms,’ at marami pang iba.

At para naman sa senior stars na sina Wendell Ramos, Aiko Melendez, Katrina Halili, at Benjie Paras, sinubukan nilang gumamit at bigkasin ang tamang pronounciation ng millennial terms tulad ng ‘cringe fest,’ ‘SKL,’ ‘pweds,’ at iba pang mga salita habang in-character sila.

Nagawa kaya ng cast ang hamon na ito? Para malaman, muling panoorin ang episode sa official YouTube channel at Facebook account ng GMA Network.

Samantala, ngayong Biyernes (July 24), tumutok sa panibagong episode ng ‘Prima Donnas: Watch From Home’ para mapanood nang live ang masayang kulitan ng cast ng programa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Zephanie Dimaranan, ipaparinig na ang bagong kantang ‘Sabihin Mo Na Lang Kasi’

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, natutong magmahal nang walang panghuhusga