in

Bagong show ni Mareng Winnie, ikinaaliw ng viewers

Marami ang naaliw sa bagong show ni Winnie Monsod na “Newsmakers” na unang umere noong Lunes bilang bahagi ng “New Normal: The Survival Guide” strip ng GMA News TV. 

Sa first segment, ipinakita ang paghimay ni Mareng Winnie sa mga isyung kinakaharap natin sa gitna ng pandemya. Via video conferencing, kinausap ni Mareng Winnie ang isang taga DOLE upang tanungin tungkol sa unemployment. Kinausap din niya ang isang business owner upang alamin kung ano ang mga challenge sa pagpapalakad ng business sa kasalukuyan.

Pero ang talagang ikinatuwa ng viewers ay ang second part ng programa kung saan tinikman ni Mareng Winnie ang mga nauusong pagkaing binebenta ngayong quarantine: ang sushi bake, Dalgona coffee cake, at ang sumisikat na ube-cheese pan de sal. Hindi rin nagpahuli si Mareng Winnie sa patok na TikTok.

Sa mga susunod na araw, sina Kara David (Bright Side), Susan Enriquez (Pera Paraan), Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez (Home Work), at Drew Arellano (Family Time) naman ang mapapanuod sa New Normal: The Survival Guide, 8:30 pm sa GMA News TV. (30)

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, tuloy pa rin sa pagtulong sa Sorsogon

Pamilya Legaspi, thankful sa piling ng isa’t isa