in

Arra San Agustin, aminadong workaholic

Mas enjoy ang Kapuso actress na si Arra San Agustin na maraming ginagawa at pinagkakaabalahan.

Sa interview ni Arra sa Unang Hirit, sinabi niya na tiniyak niyang magiging productive siya at walang sasayangin na oras habang naka-quarantine sa kanilang bahay ng ilang buwan.

Aniya, “So, ang dami kong naisip na pwedeng gawin. Nag-start ako with baking, playing musical instrument, ‘yon. I learned the basics of ukulele… until now, basics pa rin naman. It’s just that I learned a few more songs. Siguro two years ago ko binili ‘yung instrument ko. And then I started learning via YouTube. Tapos ngayon parang pampakalma lang o pampa-relieve ng stress.”

Nag-enroll din siya sa online baking class para may matutunang bagong skills habang hindi pa nagre-resume ang tapings ng mga programa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Anthony Rosaldo, nag-aaral sumulat ng sariling kanta para sa album

Zephanie Dimaranan, ipaparinig na ang bagong kantang ‘Sabihin Mo Na Lang Kasi’