in

Anthony Rosaldo, nag-aaral sumulat ng sariling kanta para sa album

Ibinahagi ng Kapuso singer na si Anthony Rosaldo na nag-aaral na siya ngayong magsulat ng kanta bilang paghahanda sa kanyang first album. Nais niyang siya mismo ang magsulat ng mga kantang itatampok dito.

“Maybe, I will try to study more and write. I know I can but the real songwriter is different, e. There seems to be a way to write correctly. At least now, almost everything is available online, so you can learn online. YouTube tutorials are available,” kwento niya.

Inamin din ni Anthony sa KPRG Asks video ni Kapuso PR Girl na pangarap niyang maka-duet si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa isang collaboration.

Samantala, kabilang si Anthony sa Kapuso stars na nominado sa 33rd Awit Awards para sa kanyang single na “Larawan Mo,” under GMA Music, bilang Best Performance by a Male Recording Artist. Bukod dito, nominado rin ang The Clash alumnus sa kategoryang ‘Best Ballad Recording.’ Mapapanood ang online awarding ceremony sa August 20, 6.pm.

Maaari pa ring mapakinggan ang latest single ni Anthony na “Pwedeng Tayo” sa digital stores worldwide.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest vlog ni Janine Gutierrez, patok sa netizens

Arra San Agustin, aminadong workaholic