in

Pelikula ni Paolo Contis, pasok pa rin sa Most Watched

Proud na proud daw ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis matapos niyang mapanood ang patok na patok nitong pelikula kasama si Alessandra de Rossi na ‘Through Night and Day’ sa streaming app na Netflix.

Marami ang humanga kay Paolo sa husay ng kaniyang pag-arte bilang ang karakter na si Ben. Pinaiyak, pinatawa, at pinakilig niya kasi ang viewers dito.

Papuri ng showbiz columnist, “Tuwang tuwa ako Salve na ang daming pumupuri kay Paolo Contis sa dalawang pelikula niya na palabas ngayon sa Netflix. Parang nakalimutan na ng marami na child actor si Paolo Contis na bata pa ay hinahangaan na ang acting prowess, actually nga dahil medyo chubby si Paolo ngayon kaya distracting kung minsan ang body language niya. Mapa-comedy o drama, action, at ngayon nagta-try sa hosting kayang kaya ni Paolo Contis.”

Hanggang ngayon, nananatili pa rin na kabilang sa Top 10 Most Watched sa Pilipinas ang pelikula nila sa Netflix. Congrats, Paolo!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Andrea Torres at Derek Ramsay, ipinasilip ang bagong vlog!

Rocco Nacino, ipinakita ang estado ng construction ng kanyang bahay