in

Lumalaban Para Sa Industriya: Angel Locsin, matagal nang binitawan ang shares sa ABS-CBN

Hindi pala lahat humanga sa katapangan ni Angel Locsin noong sinabi niyang dapat ang mga artista hindi lang puro pa-cute, dahil marami pa ring pumuputakti sa binansagang real-life Darna. Sey nila, isa si Angel sa top stockholders ng Kapamilya network kaya lang daw ito dumedepensa sa ABS-CBN.

Kahapon, rumesbak na si Angel sa mga malisyosong troll. Nag-repost siya sa kanyang IG Story ng paliwanag ng isang fan kung bakit nasa stockholders list ng network ang kanyang pangalan.

Paglilinaw ng post, ang shares ni Angel ay “subscribed shares,” hindi “issued shares.” Ibig sabihin daw, maibibigay lamang ang stocks ni Angel kapag nakagawa ang aktres ng final payment, ngunit itinigil pala ni Angel ang pagbabayad sa stocks niya, so hindi siya official na stockholder.

Base sa aming pagkalkal sa IG ni Angel, sinagot na rin pala niya noong pang February 21 ang akusasyon. Klaro ang sagot ni Angel. Aniya, “Money is not everything. For your knowledge, Maliit lang po ito. As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years. Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, hindi ko pa po pagmamay-ari ang stocks na yun.”

Itigil na sana ng mga troll ang pagsisira sa pangalan ni Angel Locsin. Kung tutuusin, wala na siyang kontrata sa ABS-CBN. Pwede siyang manahimik nalang at mag-plano ng kasal niya. Kebs niya sa 11,071 na manggagawa, di ba? Hindi naman niya sila responsibilidad. Pero, hindi ganung klaseng tao si Angel. Lagi niyang iniisip ang kanyang kapwa.  Alam ni Angel na kailangan niyang gamitin ang kanyang boses at impluwensiya para labanan ang mga pang-aapi at mangalampag para makamit ang hustisya.

Tsaka hindi lang ABS-CBN ang ipinaglalaban ni Angel. Buong industriya ang ipinaglalaban niya dahil ayaw niyang may mawalan ng trabaho at gusto niyang may pagbabagong mangyari sa sistema.

Sa katunayan, dalawa pa nga ang labang kinakasangkutan ni Angel ngayon eh. Kita naman natin ang iba’t ibang efforts niya para masolusyunan ang problema ng bansa sa COVID-19.

Consistent din si Angel Locsin sa pagtulong para sa mga nangangailangan. From Marawi to Taal, ramdam siya lagi kahit hindi niya ipangalandakan ito. Taus-puso ang kanyang pakikibaka para sa ABS-CBN at para sa mga Pilipino kaya huwag na sanang madungisan ang pagkatao niya!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ato Arman, nahanap na ang kanyang ‘Destiny’ sa bagong single na ‘Ngayong Dumating Ka Na’

Kim De Leon, may masuwerteng makaka-e-date