in

Kim De Leon, may masuwerteng makaka-e-date

Ngayong Huwebes (July 23), ang StarStruck season 7 Ultimate Male Survivor na si Kim De Leon ang celebrity searcher na sasalang sa GMA Artist Center online dating show na ‘E-Date Mo Si Idol.’

Tutulungan si Kim ng The Clash season 1 alumnus at host na si Anthony Rosaldo para makahanap ng kanyang makaka-e-date.

Sa kanyang Instagram post, inilahad ni Kim ang kanyang excitement sa episode na ito. “This is super exciting! I’m the next searcher ng ating newest favorite online dating show! E-DATE MO SI IDOL. Kapuso, ikaw na ba ang makaka-date ko this July 23?,” aniya.

Siguradong mapupuno ng good vibes ang episode na ito kaya naman abangan ang virtual date ni Kim live na live ngayong July 23, 8pm sa GMA Network Facebook page at sa GMA Artist Center YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lumalaban Para Sa Industriya: Angel Locsin, matagal nang binitawan ang shares sa ABS-CBN

Jennylyn Mercado, may bagong ‘baby’