in

Jennylyn Mercado, may bagong ‘baby’

Ipinakilala ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ang pinakabago niyang ‘baby’ sa kanyang fans at followers.

Sa latest YouTube vlog ng Descendants of the Sun lead actress, nakilala ng lahat si Kimbo, ang six-month-old Persian Kitty na latest addition sa kanyang feline babies.

Ayon kay Jen, mahilig si Kimbo maglaro, at gustung-gusto na mina-masahe niya ito. 

Sa kasalukuyan, may 12 pusa si Jen na inaalagaan. Iba’t iba ang breed ng kanyang feline babies kabilang na ang Scottish Fold na sina Clay at Gray; Scottish Straight na sina Amy, Nate, at Bruce; Siberian na si Sage; British Shorthair na si Bisping; Highland Fold na si Dana; Oriental Shorthair na si Yair; Korean Bobtail na si Jones; Ragdoll na si Dustin; at Persian Kitty na si Kimbo. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim De Leon, may masuwerteng makaka-e-date

Jak Roberto, doble ingat ngayong ‘new normal’