in

Ato Arman, nahanap na ang kanyang ‘Destiny’ sa bagong single na ‘Ngayong Dumating Ka Na’

Handog ng “Tawag ng Tanghalan” finalist na si Ato Arman ang bagong single niyang “Ngayong Dumating Ka Na,” tungkol sa napakaispesyal na pakiramdam ng pagkakaroon ng taong mamahalin habambuhay, na ini-release ng Star Music at iprinodyus ng TNT Records.

Ang folk-rock na kanta ay komposisyon ni Reyman Gem Alferez, at umiikot sa isang lalaki na noo’y nagdududang makakahanap siya ng isang babae na magmamahal sa kanya ng totoo. Magbabago ito nang makilala niya ang taong itinadhana para sa kanya.

Damang-dama ng mga tagapakinig ang mensahe ng “Ngayong Dumating Ka Na” dahil sa punong-puno ng emosyong pag-awit ni Ato, at ipinahayag nila ito sa lyric video ng kanta sa YouTube.

“Sobrang nakaka-touch yung lyrics, lalo na at si Ato Arman ang kumanta, sobrang makabagbag-damdamin! Lalo mong mafi-feel yung message ng song dahil sa boses ni Ato,” ani QueenAldine.

“Grabe may kurot ang mensahe ng kanta… Ramdam ko ang lyrics… tagos talaga. Job well done sa nagsulat at nag-arrange higit lalo’t sa interpreter,” comment ni Gerald Dimalaluan

Nanalo bilang first-runner up si Ato Arman sa ikalawang season ng “Tawag ng Tanghalan” noong 2018. Noong lumaban siya para sa pwesto sa finale ng kompetisyon bilang “ultimate resbaker,” ang rendisyon niya ng “Bulag, Pipi, at Bingi” ay nakakuha ng 100% combined score mula sa mga hurado at manonood. Simula noon, tinagurian na siyang “Folk-Rock Mover” dahil sa kagustuhan niyang buhayin ang folk-rock genre para sa bagong henerasyon.

Pakinggan ang “Ngayong Dumating Ka Na” ni Ato sa iba’t ibang music streaming platforms habang hinihintay ang taong para sa’yo. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Displaced TV at film workers, tutulungan ni Dingdong Dantes sa kanyang bagong business

Lumalaban Para Sa Industriya: Angel Locsin, matagal nang binitawan ang shares sa ABS-CBN