in

Andrea Torres at Derek Ramsay, ipinasilip ang bagong vlog!

Matagal-tagal mang hindi nagkasama ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres dahil sa community quarantine, sinulit naman nila ang kanilang time nang muling nagkita para gumawa ng vlog!

Ngayong reunited na ang dalawa, may sorpresa silang vlog para sa kanilang mga avid viewers at fans. Inanunsyo ito ni Derek sa kaniyang Instagram post, “We’re back, it’s been a while! Ilang months na tayong wala? Magti-three months na?”

Sweet na sweet ang AnDrek couple sa kanilang teaser kaya lalong na-excite ang mga fans sa pagbabalik nila sa YouTube. Abangan ang premiere ng latest vlog nila very soon sa kanilang channel!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Christian Bautista, streamer na rin?

Pelikula ni Paolo Contis, pasok pa rin sa Most Watched