in

Max Collins at Pancho Magno, magiging strict parents ba kay Baby Skye?

Very happy ngayon ang Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno dahil kasama na nila ang kanilang baby boy na si Skye Anakin. 

Very hands-on sila at maraming nadidiskubreng bago sa kanilang anak. “Iyakin siya and he’s also very interested in lights and sounds,” kuwento ni Max. 

Dagdag ng aktres, itutuloy niya ang pagbi-breastfeed kay Baby Skye hanggang sa abot ng kanyang makakaya. 

Kuwento pa ng first time parents, hindi madali ang kanilang water birthing experience ngunit mas pinatatag pa nito ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Thankful din si Max dahil mabilis siyang naka-recover matapos manganak. 

“Mahirap siya. I really thought it wouldn’t be as hard as it was but sobrang fulfilling yung feeling after. Now, I feel so much more empowered and iba na ngayon yung respeto ko sa mga mommies kasi hindi madaling manganak,” kuwento ni Max. 

Hindi naman maitago ni Pancho ang kanyang paghanga sa asawa, “Sobrang proud ako sa kaniya. Hindi mo talaga mae-explain.”

Ang tanong ng marami, magiging istrikto kaya sila sa pagpapalaki sa kanilang anak? Ani ni Pancho, “Strict but lenient siguro.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeric Gonzales, ibinahagi ang naging struggle sa pagpasok sa showbiz

Migo Adecer, naghahanda nang bumalik ng Pilipinas