Good news para sa mga mahihilig manuod ng Kapuso documentaries at public affairs programs. Simula kasi sa July 20, mapapanuod na ang paborito nating public affairs shows ng Kapuso Network sa “Power Block” – ang primetime slot ng GMA News TV tuwing 9:15 pm.
Mula Lunes hanggang Biyernes, eere na sa GMA News TV ang mga award-winning program na Front Row, Alisto, Tunay na Buhay, Reporter’s Notebook, at I-Witness na dati ay napapanuod natin sa GMA-7. Ang dokyu program na Front Row ang mapapanuod tuwing Lunes na susundan ng public service show na Alisto ni Arnold Clavio tuwing Martes. Hatid naman ni Pia Arcangel ang mga inspiring life stories ng iba’t ibang tao sa Tunay na Buhay tuwing Miyerkules. Maaga na rin nating mapapanuod ang investigative program na Reporter’s Notebook kasama sina Maki Pulido at Jun Veneracion tuwing Huwebes. At pagdating ng Biyernes, ang longest-running docu program na I-Witness ang ating matututukan kung saan iba’t ibang kuwento ang handog ng mga host na sina Howie Severino, Kara David, Sandra Aguinaldo, at Atom Araullo.
Talaga namang Serbisyong Totoo sa primetime ang handog ng “Power Block” na mapapanuod Lunes hanggang Biyernes, 9:15 pm, pagkatapos ng “New Normal: The Survival Guide” sa GMA News TV.