in

Karanasan ng ilang Pinoy sa Wuhan, tampok sa fresh episode ng ‘Amazing Earth’

Hindi dapat palampasin ang pinakabagong episode ng award-winning infotainment show ng GMA Network na Amazing Earth sa darating na July 26 kung saan tampok ang mga karanasan ng ilang Pinoy frontliners at estudyanteng nasa Wuhan nang magsimula ang COVID-19 pandemic. 

Noong July 13 ay ibinahagi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na balik-taping na siya para sa naturang programa. Ikinuwento rin ni Dingdong ang naging pagi-ingat ng kanilang team sa unang araw ng taping, “Katulad naman ng lahat, basta may social distancing, kailangan naka-mask, kailangan naka-PPE pwera ako. Kasi, kapag on-cam kailangan tanggalin ko na ‘yung mask ko. Okay naman ‘yung ventilation dito dahil nasa rooftop tayo, open air.”

Kuwento naman ni Dingdong tungkol sa July 26 episode nila, “Sobrang interesting para sa akin, isang estudyante na nasa Wuhan nu’ng nag-lockdown. By choice, nanatili siya roon, kasi he’s taking up something, kanyang PhD at iku-kwento niya sa atin kung ano ‘yung naging experience niya sa loob mismo ng Wuhan, kung saan nagmula ang COVID-19.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carmina Villarroel, strikto sa curfew ng mga anak

Jeric Gonzales, ibinahagi ang naging struggle sa pagpasok sa showbiz