in

Carmina Villarroel, strikto sa curfew ng mga anak

Nakakaaliw ang kuwento ni Carmina Villarroel tungkol sa pagiging strikto niya sa curfew ng mga anak na sina Mavy at Cassy. 

Aniya, “Ako talaga `yung security guard ng bahay kapag, kunwari, meron silang birthday party na pinupuntahan. Hindi sila pumupunta sa bars. Bawal sila sa bars. Pinapayagan ko lang sila ‘pag bahay. Basta mga bahay-bahay lang or restaurant.”

Ayon sa Sarap ‘Di Ba? host, saktong 12 a.m. ang curfew niya para sa dalawa, “12 a.m. talaga ang curfew nila. Pero siyempre si Ms. Tawad, si Mr. Tawad. Kilala ko naman kasi ang mga kaibigan nila. So Cinderella time, 12 hanggang sa tatawad tawad na yan ng mga 12:30, 1, 1:30 ganon.”

Dagdag na kuwento ni Carmina, naiintindihan naman daw nina Mavy at Cassy ang rules niya dahil hindi ito nakakatulog kapag hindi pa umuuwi ang isa sa kanila, “Wala naman yatang magulang na kayang matulog na knowing na wala pa yung mga anak sa bahay. Hindi ko talaga kaya. Kahit si Zoren, [kapag] may taping, hindi rin ako nakakatulog unless he’s home.”

Samantala, mapapanood ang fresh episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’ simula ngayong Sabado, July 18, 10:45 a.m., sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paolo Contis, sasalang bilang guest sa ‘Just In’

Karanasan ng ilang Pinoy sa Wuhan, tampok sa fresh episode ng ‘Amazing Earth’