Masunurin at matalino kung ilarawan ni Kapuso actress Rhian Ramos ang kanyang ‘anak’ na si Gideon na ginagampanan ni Ethan Hariot sa pinagbibidahang GMA series na Love of my Life.
Aniya, “Napakalambing n’ya with his mom. He’s such an intelligent boy and you can tell kasi ang dami niyang tanong.”
Sa kanyang online get-together na #LetsTalkLove noong Biyernes, ikinuwento ni Rhian ang isa sa mga nami-miss niyang memory kasama si Ethan.
“Naaalala ko kapag may eksena kami sa dinner table, lagi siyang nakatingin sa mommy niya. Noong una kasi naming eksena sa dinner table, kain siya nang kain so hindi na niya nasasabi yung mga linya niya. So noong mga pahuli na naming tapings, lagi na siyang nakatingin sa mom niya. Siguro sinabihan siya na ‘wag ka muna kakain hanggang di pa tapos ‘yung eksena ah’ Napaka-masunuring bata.”
Dahil tigil muna sa taping ang Love of my Life, napapanood si Rhian sa rerun ng pinagbidahang Pinoy adaptation ng Stairway To Heaven kasama si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.