in

Pancho Magno, aliw sa unang ligo ng anak!

Mukhang enjoy na enjoy sa pagiging first time dad ang Kapuso actor na si Pancho Magno! 

Matatandaang ipinanganak noong July 6 ng asawa at kapwa GMA artist na si Max Collins ang panganay nila na pinangalanang Skye Anakin.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang cute na video ng baby boy nila habang pinapaliguan sa unang pagkakataon. 

Nakatanggap ito ng maraming positive comments mula sa mga fans na cute na cute kay Skye! Say pa ng isang fan, “Ang cute matulog! Feeling niya nasa tummy pa rin siya.” 

Hands-on parents sina Max at Pancho ngayon dahil na rin kasalukuyan pang hindi makabalik sa trabaho bunsod ng banta ng COVID-19 pandemic.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Life story ni DJ Loonyo, tampok sa #MPK

Rita Daniela, ipinakita kung paano gawin ang kanyang “No Makeup Makeup” look