Sa bahay muna ang birthday celebration ng unica hija ni Gladys Reyes na si Aquisha.
Sa kanyang Instagram account ay pinost ng aktres ang naging celebration at handa nila para sa 12th birthday ni Aquisha. Ilan sa mga pinagsaluhan nila ay cake, fruit smoothies, baked sushi at iba pa. Kaya naman hindi nakalimot ang aktres na pasalamatan ang lahat ng bumati sa anak at nagluto ng kanilang mga pagkain.
Samantala, thankful si Gladys dahil madami ang sumali sa kanyang online acting class kung saan ibinabahagi niya ang mga natutunan niyang acting techniques sa loob ng 36 taon niya sa industriya.