Trending ngayon sa music charts ng iba’t ibang streaming platforms ang latest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na “Bahaghari” featuring ang award-winning rapper na si Gloc-9.
Nabuo ang makahulugang collaboration na ito nina Julie Anne at Gloc-9 sa pamamagitan lang ng palitan ng e-mails.
Pinusuan ng netizens ang kantang ito na naghahatid ng inspirasyon at pag-asa sa gitna ng kinakaharap nating pandemya. Komento ng isang fan na si John Vigar Garcia sa official lyric video ng kanta, “I got a pinching hit in my heart because of this. Julie you did very well! Gloc9 as always does not let us down with his verses.”
Ani naman ni Randy Punzalan, “During these uncertain times, this song reminded us to stay positive regardless of whats happening outside. Keep going everyone! ”
Maaaring i-download at pakinggan ang “Bahaghari” sa digital stores worldwide.