Ngayong Sabado (July 11), tunghayan ang kuwento ng probinsyanong celebrities na sina Leo Martinez, Chef Boy Logro at Pekto Nacua na pinalad na makilala sa mundo ng showbiz sa inyong paboritong Saturday morning talk-variety show na Sarap, ‘Di Ba?. Tiyak na puno ng masayang kwentuhan at kulitan ang simula ng inyong weekend kasama sina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi.
Makaka-chikahan nila si Leo Martinez na mula sa Batangas, si Pekto Nacua na taga Visayas at ang Mindanao-based na si Chef Boy Logro tungkol sa kanilang naging karanasan sa unang salta nila sa Maynila pati na rin ang kanilang pinadaanan upang marating ang estado nila ngayon.