in

‘Taste Buddies,’ may espesyal na pa-food trip simula sa July 12!

Habang marami na ang excited na muling pumasyal at kumain sa kanilang paboritong restaurants, may espesyal na pa-food trip muna ang Taste Buddies na mapapanuod sa GMA-7 ngayong Linggo, July 12. Sa special edition na ito, ipalalabas ng programa ang fresh episodes ng kanilang food adventures na ginawa nina Taste Buddies hosts Solenn Heussaff  at Gil Cuerva bago pa magkaroon ng Enhanced Community Quarantine noong March.

Samahan sina Solenn at Gill na tikman ang masasarap na pagkain sa Baguio, mag-food adventure sa Makati, at matuto ng iba’t ibang egg recipes.  Join din sa adventure ang ilang Kapuso stars na sina Michelle Dee, Kate Valdez, Nikki Co, Shayne Sava, EA Guzman, at Anjo Damiles.

Abangan ang katakam-takam na fresh episodes ng Taste Buddies simula ngayong July 12, 10 a.m., sa GMA-7. Muli naman balikan ang mga masasayang episodes ng programa every Saturday night sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Golden Canedo at Jeremiah Tiangco, binalikan ang kanilang ‘The Clash’ journey

‘Sarap ‘Di Ba?,’ may bagong episodes na simula July 18!