Simula July 18, tiyak na mas sasaya ang inyong weekend dahil makaka-bonding nang muli ang hosts ng Sarap ‘Di Ba? na sina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi sa bagong episodes na mismong kinunan sa bahay ng Legaspi family!

Hindi lang ‘yan, makikisali rin sa kasiyahan si Zoren na siya ring magdi-direk ng special quarantine series ng talk show na pinamagatang ‘Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition.’
Isang masayang kwentuhan at kamustahan ang hatid nila Carmina na iku-kwento ang kanilang naging buhay magmula nang ipatupad ang community quarantine. Abangan din kung sino ang kanilang special guest sa episode na ito.
Abangan ang much-awaited comeback ng paboritong Saturday morning habit ng Kapuso viewers ngayong July 18 at 10:45AM pagkatapos ng Maynila sa GMA-7!