in

Mikael Daez, saan unang nakilala si Rhian Ramos?

Bago pa pala makatrabaho ni Mikael Daez si Rhian Ramos sa top-rating primetime series nilang ‘Love of my Life’, nagkita na ang dalawa sa isang workshop sa GMA Network sampung taon na ang nakakalipas. 

Sa online get-together ng Love of my Life na #LetsTalkLove ay ikinuwento ni Mikael kung saan at kailan niya unang nakilala ang cast ng serye na sina Rhian, Tom Rodriguez, at Carla Abellana. “In my very first year sa GMA, meron kaming workshop. As I entered the room, nakita ko siya (Rhian) and we got introduced to each other.” 

Matapos daw nito ay sampung taon ang lumipas bago niya muling nakausap ang aktres. “The next na nakausap ko siya is Love of my Life na. Of course, nagkikita kami sa mga guestings pero the next time I was really able to talk to Rhian was after 10 years. Sobrang laki ng agwat.”

Bumuhos naman sa comment section ng live stream ni Mikael ang suporta mula sa loyal viewers ng Love of my Life na miss na miss na raw ang cast na muling mapanood sa telebisyon, “LOML is good at talagang kaabang-abang dahil it’s about family. You interact like ang tatagal ninyo na magkakakilala. Natural na natural.” 

Samantala, abangan sa Biyernes (July 10) si Rhian na siya namang makikipag-kwentuhan at kumustahan sa #LetsTalkLove, 6PM, sa Facebook page ng GMA Drama.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong episodes ng ‘Amazing Earth,’ magsisimula na sa July 26!

Rocco Nacino, namangka para maghatid ng tulong